Thursday, September 21, 2006

SEDUKSYON

Inakit ng pluma
ang blangkong papel
Dinumihan
ang ka-inosentehan nito
ng mga bugtong,
awit, tanaga at tugma
Mga pinagtagpi-tagping pangako
at talinhaga
Kasabay ng mga impit na daing
at ungol ng pag-ibig,
mga hiyaw
at bulong ng pagsilakbo,
mga taludtod
at halinghing ng pagnanasa.
Matapos ang isang gabi ng tula,
iniwan ng pluma ang papel,
punung-puno
ng walang lamang salita.

OLEG

HINDI PA RIN NAGBABAGO SI OLEG. Kimi. Tahimik. Hindi nagsasabi kung ano ang nasa loob. Ang ipinagkaiba lang, mas lalo siyang pumayat. Halatang mahiyain pa rin sa pagtanggap ng sustansiya sa katawan. Maitim pa rin siya. Mukha pa ring ita, sabi ko, na hindi naman niya ikinagalit. “Sanay na ako,” ang pamilyar na dayalog niya kapag siya’y pinipintasanan.

Olegario Jones ang buo niyang pangalan. Masagwang kumbina­syon ng pangalan at apelyido, pero sa tingin namin noon ay ayos na ayos lang, nagpapakita ng kanyang pagkatao. Kung baga kasi sa tsokolate, pinaghalo siyang lokal at imported, anak ng isang Amerikanong negro sa isang putatsing na Pilipina. Nang magbuntis ang Pinay, hindi na siyempre pwedeng rumampa sa catwalk ng mga puta. Doon na nga napadpad sa baryo namin sa paghahanap ng kapalaran.

Grade 5 kami nang maka‑klase namin si Oleg. Unang bungad pa lang niya sa silid, inulan agad siya ng tukso. Uling daw, sunog, puwit ng kaldero. Ang itim kasi ng balat. Akala nga namin ay ita. Hindi naman niya pinapansin ang mga panunukso sa kanya. Nakatungo lang siya, walang ekspresyon ang mukha.

Ang unang problema niya ay ang upuan. Walang gustong magpatabi sa kanya kaya’t antagal niyang nakatayo kahit marami pang bakante. Pagdating ng adviser naming si Ma’am Lourdes ay saka lamang kami natahimik ng panunukso sa kanya. Pinapuwesto siya sa may unahan. Mula noon, naging karaniwan nang tanawin sa klase ang paghawak-hawak niya sa ulo dahil sa tama ng sumpit at lastiko.

Kalaunan, nalaman naming mabait naman pala. Nakaibigan namin ng best friend kong si Ben. Tuloy pa rin ang panunukso ng ibang bata, pero kahit ano yatang panunuksong gawin kay Oleg ay hindi siya naaapektuhan. Sanay na ako, sabi niya sa amin ni Ben.

Ang totoo niyan, hindi naman talaga namin gustong makipag‑kaibigan kay Oleg. Isang araw lang, habang papauwi ay nakasabay namin si Ma’am Lourdes. Nabanggit niya si Oleg. Kaibiganin daw namin. Kasi kawawa naman.

Bago pumasok sa paaralan, nagtitinda muna si Oleg sa tindahan ni Miming Intsik tuwing umaga. Dumidiretso sa nanay niya ang kanyang kita, na karaniwa’y bumabalik ‘din kay Miming Intsik na siyang may pinakamalaking koleksyon ng bilog at lapad sa baryo namin. Kung hindi man umiinom, nagsusugal ang nanay ni Oleg. At kung natatalo, karaniwan si Oleg ang may sala. Buwisit daw kasi si Oleg sa buhay niya.

Madalas palang saktan si Oleg ng nanay niya. Kapag wala siyang maibigay sa nanay niya, sinasaktan siya nito. Ang masaklap, kahit pala may naibibigay siya, sinasaktan pa rin. Kapag lasing, bugbugan pa rin. Pag hindi lasing, mas lalong bugbugan. Nang lumaon, nahalata ko, hindi naman pala kailangan ng dahilan para bugbugin si Oleg. Basta galit lang sa kanya ang nanay niya. Ala‑ala daw kasi siya ng kanyang ama, at kundi raw dahil sa pagbubuntis sa kanya ay kumikita pa sana nang malaki ang kanyang ina, ang kan­yang putang ina. Pero kahit gano’n, mahal pa rin ni Oleg ang nanay niya. Talagang pang‑ soap opera ang kanyang ugali, kung hindi man ang kanyang itsura.

Kadalasan ay hindi siya kumakain kapag nasa eskwelahan. Pagkatog ng bell para sa recess, takbo na agad siya sa library, kung anu-ano’ng binabasa. Hanga naman ang guro namin. Masipag daw. Pero kalaunan, nalaman ni Ben, halos naman hindi pala siya marunong bumasa. Kaya madalas sa library, do’n nagpapalipas ng recess para huwag mainggit sa pagkakainan namin.

Ano pa nga ba ang gagawin namin ni Ben kundi kaibiganin siya? Una’y dahil nakakaawa talaga. Pangalawa, dahil sinabi ni Ma’am Lourdes (o ito ba ang una?). Grade 5 pa lamang kami pero alam na namin ni Ben na kami ang maglalaban sa honors pagdating ng Grade 6. At alam naming hindi maganda sa aming reputasyon ang pagiging matapobre at mapang‑hamak ng kapwa.

“A-Ako ba ang tinatawag ninyo?” tanong ni Oleg nang kawayan namin siya ni Ben.

“Oo,” sabi ni Ben. “Halika, hahatian ka namin ng baon.”

Alanganing lumapit. Pakipot pa pero gutom rin naman, bulong ko kay Ben. Siniko ako ni Ben.

Maya‑maya’y lumapit din. Binigyan ni Ben ng isang sandwich. Maya‑maya pa, nagtatawanan na kaming tatlo. Siyempre kitang‑kita ni Ma’am ang lahat. Alam ko, natutuwa siya kaya’t natutuwa rin kami ni Ben. Masarap talaga ang pakiramdam kapag gumagawa ka ng mabuti ‑‑ lalo na kapag nakamasid lamang sa tabi‑tabi si Ma’am Lourdes.

Mula noon, kabuntot na namin si Oleg kahit saan kami pumunta ni Ben. Paninirador, paglalangoy sa may sapa, pangunguha ng gagam­ba. Kapag may bibilhin sa tindahan tulad ng softdrinks at puto‑seco, hindi na siya kailangang utusan. Siya na ang nagpi‑prisinta. Kami kasi ni Ben ang laging may dalang pera. Kung baga sa relasyong kapitalista at manggagawa, labor lang ang maaari niyang ibigay na kontribusyon. Pero kung sabagay, siguro’y alam na rin niyang kapag hindi siya nag-prisinta, siya rin naman ang uutusan namin ni Ben.

Nang dumating kami sa Grade 6, halos alam na namin ang mangy­ayari. Ganoon naman daw ang nagyayari taun‑taon. Nag‑away kami ni Ben dahil sa honors. At matinding away talaga.

Noong una’y hindi lang kami nagpapansi­nan. Tapos nagkaroon na ng pasikatan sa klase. Magaling ako sa English at Filipino habang terible naman siya sa science at math. Nang nahalata ng klase na nagkakainitan na kami, nagkaroon na ng dalawang kampo ‑‑ isang kampong maka‑Ben at isang kampong maka‑Jojo (ako ‘yun!).

Sa tindi ng away namin ni Ben, ang lahat na yata ay tila pinaglabanan namin -- kung sino ang may mas malinis na damit, kung sino ang nakabunot ng mas maraming damo sa playground, kung sino ang mas maraming naigib na tubig para sa canteen, kung kanginong tanim ang mas mabunga, kung sino ang mas maraming kaibigan, at kalaunan, kung kangino sasama si Oleg. Noon namrublema si Oleg. Kangino siya sasama e pareho naman kaming naging mabait sa kanya ni Ben?

Nasentro ang atensyon ng klase kay Oleg.

Tuwing labasan, unahan na kami ni Ben sa pagsabay kay Oleg. Kapag kasama ko si Oleg, pakiramdam ko ay asar asar si Ben. Tuwa naman ako. Pakiramdam ko, natatalo ko siya sa paligsahan namin. Pakiramdam ko ako na ang valedictorian. Tingin ko’y ganoon din naman ang pakiram­dam ni Ben kapag sila ni Oleg ang magkasama. Nakakatawa, pero ang pagiging valedictorian ay tila ba pinaglabanan namin ni Ben sa kung sino ang sasamahan ni Oleg. Sa araw-araw na giyerang-patani namin ni Ben, si Oleg ang nagsilbing tropeong ipinaparada ng nagwagi sa araw na iyon.

Nang lumaon, si Oleg na ang lumayo sa aming dalawa. Siguro’y nakulitan na rin. Ayos lang naman.’yon, basta ba’t pareho niya kaming lalayuan ni Ben. Hindi ko alam kung bakit, pero nang dumistansiya sa amin si Oleg ay tila ba pareho namin siyang biglang nakalimutan.

Ilang linggo bago ang graduation, halos hindi namin napansin ni Ben, hindi na pala pumapasok si Oleg. Sabi ni Ma’am Lourdes, may sakit daw ang nanay. Hindi na maka­kayang pumasok dahil bukod sa kailangang kumita, kailangan pa niyang alagaan ang kanyang malupit na ina. Sabi ko na, pang‑soap opera ang ugali ni Oleg.

GRADUATION NA. Ilang araw ding nag-practice ng kanyang valedictory speech si Ben. Ako naman ay ni hindi umabot sa pagiging salutatorian. First honorable mention lang. Masama ang loob ko noong una. Akala ko kasi’y ako na ang valedictorian dahil nang bilangin ko, mas marami pala ang araw na sa akin sumama si Oleg. Pero nang bandang huli, okey na rin. Honor lang naman ‘yan, sabi ko. Nagkabati rin kami ni Ben. Hindi naman pala tayo dapat mag-away e, sabi ni Ben. Binatukan ko.

Natapos ang graduation pero hindi dumating si Oleg. At nalaman naming namatay pala ang nanay ilang oras bago ang graduation. Bituka raw ang nadale. Gusto ko sanang pumunta sa lamay. Kaya lang wala akong kasama. Kinabukasan kasi, lumipad na papuntang Hong Kong ang pamilya nina Ben -- regalo sa kanya ng tatay niyang Beho. Pero okey lang naman siguro kung hindi ako makapunta, naisip ko. Siguro, marami namang tao. Hindi lang naman siguro ako ang kaibigan ni Oleg. Hindi na mahahalatang wala ako. Wala na rin namang magtse-tsek ng attendance sakaling hindi ako makarating. Hindi ko na titser si Ma’am Lourdes.

Matalik pa rin kaming magkaibigan ni Ben hanggang high school. Pero unti-unti, nagkaroon na rin kami ng kanya-kanyang barkada. Nang mag-college, du’n na kami nagkahiwalay. Nakapagtapos ako ng kolehiyo na hindi ko man lang siya nakikita. Balita ko’y naging engineer na siya. Naging manunulat naman ako. Kaya heto ako ngayon: pagala-gala, nangongolekta ng mga karanasan.

Pero sa dami na ng nasulat ko, minsan ay natutuyuan na talaga ako ng ideya. Nauubusan na ako ng istoryang kakaiba, anumang laboy ang gawin ko. Bigla kong naalala si Oleg. Bakit hindi ko isulat ang buhay ni Oleg? Napakaganda ng pagkakalungkot ng kanyang buhay para sayangin lamang sa ala-ala.

At sa di-inaasahang pangyayari -- deus ex machina ng totoong buhay -- nagkita kami ni Oleg. May bonus pa dahil napaka-inspiring ng kanyang ayos -- tunay na simbolo ng kahirapan, nakaka-agit. Palanca material, naisip ko. Noon ko nasapol kung ano ang naramdaman ni Magellan nang madiskubre niya ang Pilipinas. Hindi pa man ay nagbibilang ka na ng ginto at rekadong ibabalik sa Espanya.

“Oleg!” bati ko.

Nang una’y hindi ako nakilala. Pero nang mamukhaan na ako, alanganing napangiti.

“Kumusta?” sabi ko

“O-Okay lang.”

Hindi ko alam kung napangiti ako. Sa kaso kasi namin ni Oleg, talagang nakakatawa ang sagutang ito -- wala akong pakialam kung kumusta na siya, at kahit ano’ng sipat ang gawin ko, hindi siya puwedeng maging okay.

“K-Kamusta na,” sabi naman ni Oleg.

“Okey lang,” gaya ko. “Halika muna, kain tayo.”

Nag-alangan.

“Sige na, ililibre kita,” yakag ko sabay hila sa kanyang braso. Pakipot pa pero gutom rin naman, bulong ko sa sarili ko. Natapilok ako.

Akyat kami sa Fernando’s. Hindi iilan ang napatingin sa itsura ni Oleg. Sabi ko na, hindi siya okay. Umorder ako ng sisig, kanin at dalawang bote ng beer.

Hindi pa rin nagbabago si Oleg. Kimi. Tahimik. Hindi nagsasabi kung ano ang nasa loob. Halatang gutom at gustung-gusto nang kumain ay pinaiiral pa rin ang hiya.

Nagkataong sadista yata ako nang araw na iyon. Nakahain na ang umuusok-usok pang sisig ay hindi muna ako kumain. Gusto kong makita ang kanyang gagawin, kung nagbago na ba siya. Susubo na ba siya o hihintayin akong umuna?

Humigup-higop muna ako ng sabaw habang pakuwento-kwento. Higop din siya, nakikinig. Umorder ako ng pansit. Higop ulit. Nang maubos namin ang sabaw, humingi uli ako. Tig-isang tasa kami. Sinimulan ko na ang pagkain. Nagsimula na rin siya. Gutom talaga, naisip ko.

Nakapag-asawa pala si loko. Pero iniwan din siya nang makakita ng kalaguyo. Baka dahil mas maputi, naisip ko. Iniwan sa kanya ang dalawang anak. Isang lalaki at isang babae. Junior niya ang panganay -- Olegario Jones, Jr. Napangiti ako. Kung ang Senior ay pinaghalong imported at local na tsokolate, ang Junior naman ay ano, choc-nut?

Naubos na ang pagkain. Order uli ako ng pansit. Canton naman dahil bihon ang inorder namin noong una. Kumuha uli ako ng dalawang beer.

Kamamatay lang pala ng anak na babae. Lupus daw, na ang tanging pagkakaintindi niya ay siyang naging sakit ni Apo Makoy. Nang maisipan niyang ipadoktor, malala na. Kahit raw gastusan pa, sabi sa charity ward ng UERM, hindi na kayang gamutin. Para daw AIDS kung kumapit, walang ligtas. Ano pa raw ang magagawa niya? Kahit pala may panggastos ay mamamatay rin. Kaya ginawa na lamang niya ang kaya niyang gawin -- umiyak siya.

Tatlong buwan daw nilagnat. Nang mawala ang lagnat, lantang gulay na ang itsura. Payat. Humpak ang pisngi. Halos bumaon na sa lalim ang dati’y masiglang mata. Sa una’y nakakapagsalita pa, na mas maaaring tawaging ungol kaysa salita. At sa maliit nilang barung-barong sa tabi ng riles ng tren, doon na lamang naghintay ng wakas ang biography ng kanyang anak. Magandang istorya, thank you.

Naghahanap daw siya ng trabaho. Pero wala raw magkamali. Kung hindi siya napapagkamalang may TB, napapagkamalan siyang magnanakaw. Itinanong ko kung ano ang pinagkakakitaan niya ngayon. Paliguy-ligoy. Ayaw sabihin. Hindi ko na kinulit. Medyo nahuhulaan ko na naman kung ano. Sapat na sigurong ebidensiya ang nagkakalansingang barya sa kanyang maluwag na pantalon at ang kalawanging lata ng sardinas na patago niyang idinispatsa habang paakyat kami ng Fernando’s.

Naubos ko ang pansit sa plato ko. Pero siya, halos hindi pala niya ginalaw ang nasa plato niya. Tinawag ko ang weyter para kunin ang chit. Lapit ang weyter. Noong una’y nahihiya, pero nang hindi ko inialok, siya na rin ang nagpabalot ng pansit sa kanyang plato.

“Para sa anak ko,” alanganin ang ngiting sabi niya.

Labas na kami. Paalaman.

“Kamusta na nga pala si Ben?” ang naalalang tanong ni Oleg.

“Wala akong masyadong balita,” sabi ko. “Pero ang alam ko engineer na siya.”

“Ikaw, ano na nga pala ang tarbaho mo ngayon?” usisa ni Oleg.

Akala ko’y lusot na ako. Hindi pa pala.

“Writer ako ngayon sa isang magasin,” sabi ko. “Tungkol sa buhay-buhay ng mga simpleng tao sa lunsod, ganun.”

Natahimik.

“Kaya mo ba ako pinagkukuwento kangina?” tanong niya. “Balak mo bang isulat ang tungkol sa buhay ko?”

“Aba, oo nga ano?” kunwa’y nagulat pa ako. “O-Okey lang ba?”

Napatungo siya sa hawak na balutan. Nang iangat ang mukha ay may halong pait ang kanyang ngiti.

“Okey lang,” sabi niya. “Sanay na ako.”

Isang tango at pilit na tawa ang kanyang pagpapaalam. Tumalikod. Lumakad. Sinundan ko siya ng tingin.

Halos masira ang balutan ng pansit sa higpit ng hawak niya dito.

KUWENTONG DYIP

Ang pagsusulat ay tulad ng pagsakay sa dyip. Minsan okey ang biyahe. Minsan, bad trip. Minsan nakakarating ka sa paroroonan. Minsan naman ay naaaksidente ka na bago pa man makapunta sa destinasyon. Kahit anong laking hirap, kapag kailangan, ay wala kang magagawa. Kailangan mong tiisin gaano man kalupit ang tulakan, sipaan, sabitan at tsansingang mangyayari.

Hindi na ako bago sa pagsakay ng dyip. At lalong hindi na ako bago sa pagsusulat. Katunayan nga’y matagal ko nang pinagkakitaan ang larangang ito. Pero tulad ng mga artis­tang nage‑enroll sa theater arts para matutong umarte, isa akong writer na bumalik sa pamantasan para matutong magsulat. I don’t want to hack my way through life, ika ko nga sa isang kaibigan habang nagsesenti kami sa harap ng holy water ni San Miguel. Kaya heto, balik uli ako. Kahit dyahi na sa mga dating klasmeyts na naging teachers ko pa ngayon.

Eniweys, hindi naman tungkol sa kapal ng aking mukha ang gusto kong ilahad dito. Gusto ko lang sanang ikuwento ang nangyari sa akin kagabi. Ayaw ko na sanang ikuwento pa, pero kung pipilitin mo pa ako nang konti, e ‘di...sige na nga!

Ang totoo niyan, wala naman talagang nangyari, tulad ng maaaring isipin ng isang tao kapag sinabihan siyang may “nangyari sa akin kagabi.” Ang “nangyari kagabi” ay mga pangyayaring naganap dahil sa natural na pagtakbo ng panahon, hindi dahil may napakahalaga, napakalungkot o napakasayang kaga­napan. Kaya pag sinabi kong may nangyari sa akin kagabi, maaar­ing ibig sabihin nito ay dyuminggel ako, o naglakad ako, o kaya nama’y naghikab ako. Ang payo ko na lamang siguro ay huwag ka na lang maghanap ng profound na mensahe sa mga sasabihin ko.

Pero hindi naman ibig sabihin nito ay walang nangyayari sa buhay ko sa depinisyong iniisip mo kapag narinig ang salitang “pangyayari.” Namatayan na rin naman ako ng ama, ng tito, ng lola. Marami na ring pag‑ibig ang namatay sa aking puso. At lalung marami na rin ang mga paniniwalang namatay sa aking isip. Ibig sabihin, hindi naman napaka‑boring ng buhay ko, na maaari mong isipin matapos malamang namumrublema ako sa kawalan ng magagawa. May excitement rin naman ang buhay ko, kahit papaano, paminsan-minsan. Ang gusto ko lamang sabihin, kahit may nangyayari sa akin araw‑araw, hindi naman araw‑araw kailangang maging importante ang mga pangyayaring ito. Ang ibig kong sabihin--- o, sige, makulit na:

Madilim kagabi. (syet!) Unang kita ko pa lamang sa ‘yo ay natawag mo na ang aking pansin. Paakyat ka sa dyip na sinasakyan ko. Suwerte, sabi ko. Lalo na dahil malaki ang espasyong malapit sa akin. Pihado, magkakatabi tayo.

Malas. Umistayl ang isang mukhang DOM na nakaupo sa kanan ko. Sa damit ay papasa nang tao, lalo na siguro kung kasama sa outfit niya ang isang maskara. Tila isang Makati executive kung suot lang ang pagbabatayan, ‘yun bang tipong pag pumasok sa Manila Hotel ay magdadala­wang‑isip muna ang mga guwardiya bago siya palabasin -- kahit na masama sa business ang pagkakaroon ng isang pagala‑galang gorilya. Sobrang askad ng mukha, parang prunes na tinubuan ng taghiyawat. Kung sa amoy naman, parang expired na Rexona.

Sumiksik ng upo sa akin ang taong‑gorilyang parang prunes na tinubuan ng taghiyawat ang mukha, siyempre gusto siya ang tabihan mo. At utu‑uto ka naman, sa kanya ka nga tumabi. Purnada, sabi ko. Gusto kong umbagin si Mr. Prunes pero minabuti kong tumahimik na lamang. Mas malaki kasi sa akin -- pero hindi ako duwag, ha? ‑‑ at maskulado pa. Sabihin na lang nating vain ako -- ayoko lang na ang mukha ko naman ang maging raisins.

Halos kasasayad pa lang ng puwet mo sa upuan ay nagbayad ka na ng pamasahe. Taga‑Angono ka pala.

Maya‑maya, dakong floodway, bumaba si Mr. Prunes. Sinaman­tala ko ang pagkakataon para tabihan ka.

Hindi pa tayo ganap na nagkakalapit, amuy na amoy ko na ang pabango mo. Hindi ko lang naamoy kangina dahil tinalo ito ng sangsang ng taong‑gorilya.

May binabasa ka. The Name of the Rose ni Umberto Eco. Bilib ako. Ngayon lang kasi ako nakakita ng isang magandang babaeng binabasa si Umberto Eco sa loob ng dyip na biyaheng Binangonan. Maniwala ka, talagang maganda ka.

“Maganda ‘yan,”simula ko ng diskarte. “Lalo na ang ending.”

Tiningnan mo ako nang masama, parang nagbabanta: huwag mong sasabihin!

“Si Abbot ang may pakana ng lahat ng patayan eh,” sabi kong may pagmamayabang.

Sobra lamang siguro ako sa pagpapanood ng mga Tagalog movies kaya ibang‑iba ang inaasahan ko kaysa sa tunay mong ginawa. Akala ko kasi, aawayin mo ako. Pag inaway mo ako, magpapaliwanag naman ako. Pag nagpaliwanag na ako, magkakabati tayo. Siyempre makikipagkilala ako. At dahil guwapo naman ako, ibibigay mo naman ang pangalan mo. Tapos, maya‑maya, kapag bababa ka na, bababa na rin ako para ihatid ka. Siyempre, malalaman ko ang bahay n’yo. Itatanong ko na ang iyong telepono na madali mo namang ibibigay dahil charming ako. At sa Linggo, babalik ako sa inyo, may dalang flowers at chocolate--- baduy pero epektibo.

Pero iba nga ang iyong ginawa. Hinding‑hindi ko inaasahan dahil hindi ko kailanman napanood sa mga pelikula ni Ate Sharon.

Itinapon mo sa bintana ang libro.

“Bakit mo itinapon?” gulat na tanong ko.

“Ang kapal ng mukha mo eh,” galit ka. “Bakit mo sinabi ang ending!”

“Nanloloko lang ako,” sabi ko. “Ang totoo n’yan...”

“Para!”

Tumigil ang dyip at nagmamadali kang bumaba.

“Miss, saan ka pupunta?” tanong ko. Sa Angono pa bababa ‘yun a!

Hindi mo na ako sinagot. Nagmadali akong magbayad.

“Mama bayad,” sabay abot ng beinte pesos. “Dito lang.”

“Wala ka bang otso?” tanong ng driver.

“Wala.”

“Ba’t hindi ka pa kangina nagbayad?” inis na sabi ng driver. “Magtatampuhan lang kayo ng siyota mo, nang‑abala ka pa.”

Fuck you!

Medyo malayo ka na pero amoy na amoy ko pa rin ang pabango mo. Binalikan mo pala ang itinapon mong libro. Magsosori talaga ako sa iyo. May mga nakahanda na akong linya sa mga ganitong pagka­kataon. Matagal ko ring pinagpraktisan sa harap ng salamin. Makaluma, pero epektibo.

Pero teka, may kulang yata sa akin. Noon ko lang nahalata na wala na pala akong dala. Naiwan ko ang aking bag sa dyip, na ngayo’y hindi na abot ng aking tanaw. Ibig sabihin, wala akong pera. Buong tapang kong ibinato sa driver ang sukli kong barya, dala na rin ng aking pagkaasar. Siyempre (dahil nga vain ako) siniguro ko muna kung mas malaki ako sa kanya.

Ngayo’y kailangan kitang maabutan. Kailangan na kitang kilalanin, kaibiganin at paibigin. Hindi na lang ako basta nabibighani sa iyong kagandahan. Kailangan pa kita para ako makauwi. Pautang!

Kailangan kitang maabutan. Kailangan kitang makaibigan habang nasa daan pa lamang tayo. Kapag sa dyip ko ito ginawa, baka akalain ng mga taong binabastos kita. Baka may mga gentle­man na mabighani rin sa iyo, at ipagtanggol ka sa mga bastos na katulad ko. Kailangang abutan kita. Paspas. Takbo.

Dumating ang isang dyip. Kumaway ka, at alam kong hindi ito sa akin nakaukol. Tumigil ang dyip. Sumakay ka.

Lagot. Hindi na kita makakaibigan sa daan. Pero wala na akong magagawa. Sa dyip na lamang tayo mag‑usap!

Kumaway rin ako. Pakanan at pakaliwang pinaikot ng driver ang kanyang palad. Walang bakante. Itinaas ko ang aking kamao. Sabit. Umiling ang driver. Hindi pwede ang sabit.

Sumibad ang dyip sa aking harapan, sakay ka. Masikip na nga sa loob, hindi na kita nakita.

Napabuntung-hininga ako. Wala ka na. Tinabunan ng maitim na usok ang amoy ng iyong pabango.

BINANGONAN TALES

PROLOGUE

It was a night of total darkness that brought Olegario Pineda his inevitable death.

The roof of his house and the winds of typhoon Rosing were performing the confused aria of two cats in the midst of orgasm. Olegario covered his ears, but the piercing shrieks went through his fingers, down to his bones, his teeth grinding in the mighty effort with which he tried not to shout. From time to time, the sky would shout invectives at him, preceded by blinding flashes of light.

Olegario was afraid, as he had always been in fear all his life. There were times when he would be afraid to sleep because he kept on imagining ants entering his ears and making him deaf. Some other times, he would lie on his bed, shivering as he could not ward off fears that there would be an earthquake which might cause his house to collapse and bury him under the rubble. At one point, a chest pain made him think he was having a heart attack. Luckily, he was already in the hospital when he suffered a real heart attack caused by the tension.

Olegario had always been in fear, as he was now. He was so afraid, indeed, that in that night of total darkness courtesy of a broken Meralco line, while the winds and the roofs and the sky were in their usual symphony of orgasm and rage, Olegario Pineda produced a Smith and Wesson from under his bed, and splattered his brains all over the bedsheet.

He killed himself, of course, in order to stop the fear of death from killing him.

CHAPTER 1

Binangonan lies in a misty edge of Laguna Lake, where once in the town's distant history, a colossal whirlpool swallowed the fishing yacht of Don Servando Enriquez. The obnoxious Don Servando, whose penchant for the metaphysical brought him to the farthest side of Susong Dalaga in order to see for himself (how he figured that, no one, not even his great-great-great grandson Don Servando Segundo, could tell) whether God really exists, preferred to go fishing alone.

During those nights of solitary fishing, the townspeople would hear the wild rumblings of his fart carried eastward by the warm habagat breeze. During those nights, the children, aged twelve and below, would be gathered around the plaza in front of the Church of Sta. Ursula because they would not stop crying, unable to ward off fears that the tikbalang had already awakened and that what they were hearing was the loud belching of its belly which was already yearning for children, unless Padre Luisito Salvacion, the parish priest, sprinkled them with holy water mixed with crushed garlic. During those nights, after Padre Luisito had complied to the children's wailing, the townsfolk would gather around the house of Mayor Isidro Cirajulo to petition the municipal government to confiscate Don Servando's yacht and thus prevent him from frightening the children with his pestilential fart. But during those nights, too, the good mayor would tell the townspeople to go away and let him have his sleep.

Thus, during those nights of Don Servando's solitary fishing, the vicious cycle that would start from Don Servando's fart that would frighten the children who would cry out so loud that they had to be taken to the Church of Sta. Ursula to be sprinkled with holy water mixed with crushed garlic and would end with Mayor Isidro's shooing away of the townsfolk in order for him to have his sleep would be repeated again and again every night for three generations until a colossal whirlpool got tired of it all and decided in haste to swallow the yacht, together with the already ancient and foul-bellied Don Servando.

From his childhood up to the last moments of his life, Don Servando Segundo Enriquez would hear the story retold again and again, sometimes from his father, sometimes from his grandfather, some other times from his great-grandfather, but mostly, from himself. He liked the story so much that when there was no one left to tell it to, as five decades of telling and re-telling had already exhausted the patience of the whole town and every one was no longer willing to listen, he would tell it to himself with such great zest that he sometimes convinced himself that it was the first time he would ever hear about it. Raised in Pilapila, which offered an aerial view of the lake, he would often look at the dark, mysterious waters that swallowed his great-great-great grandfather, hoping that, punished for centuries by the fart of Don Servando Enriquez, it would decide someday to spit out his namesake.

The reason for it was obvious. Before leaving the house on that fateful night, the old patriarch made a hurried promise to Lolita, his eighteen year-old daughter, that he would take her to the ballroom the very moment he came back. Lolita, who was fortunately endowed with so much physical beauty to make up for the intelligence that she was deprived of all her life, seated herself on the porch waiting for her father until her life ended in the sweet age of ninety-seven. Even in death, the immeasurable void between her ears managed to stay, and so she remained there on the porch, a most beautiful half-witted ghost, still waiting for Don Servando. Servando Segundo tried everything to make his great-great-grand-aunt go away, contacting spiritists and psychics all over the land, but the steadfast ghost would not budge, and thus continued to scare away potential customers of his hotel and restaurant. What Servando Segundo never realized, of course, was that he inherited her intellect, which led him to proceed with the construction of a hotel and restaurant that was doomed from the very start by her ghostly presence.

CHAPTER 2

Despite herself, Lolita decided, in a rare occasion of lucidity, that she would not die a virgin. A survivor of three hundred forty nine typhoons, five tornadoes, half a dozen earthquakes, a few hundred wild bees, as well as the scorching tropical afternoon sun and some other emissaries of nature that tormented her vigil on the porch, Lolita's resolve was so firm that she immediately grabbed the arm of the first man she saw that morning. His name was Ruel Cervo, a stone-cutter in the cement factory's quarry.

When Ruel's family moved to Binangonan when he was five, he instantly developed a great liking for Lolita, whose sweet, beautiful face created a spell that required at least nine continuous hours of inhaling camphor vapors before releasing his balintataw, his mind's eye, which saw her everywhere, even in his bowl of hot chocolate porridge or even in the great heap of his chocolate-colored shit. It was a quiet innocent love untainted by lust until he reached the age of thirteen, when he was old enough to realize the great magnitude of her breasts. When Lolita grabbed him that morning when he was on his way to the quarry carrying a pouch that contained his lunch of fried rice and boiled mongo beans, twenty five years after he saw her the first time sitting alone on that same solitary porch, he instantly knew that he would not only oblige, but would just be too willing to perform the wild routine that he had always dreamt of doing with her. And so, despite her age of more than half a century and despite her skin which was beginning to break and despite a few patterns of repulsive lines already showing on her face, he made love to her on the porch atop a bed of scattered fried rice and boiled mongo beans, with all the brute force and savagery that a stone-cutter of a cement factory could muster. Everyone who saw them that morning made the sign of the cross and prayed a few hundred prayers in order to appease the soul of Don Servando Enriquez, who would have turned in his aquatic grave over the scandalous sight of Ruel and his daughter.

At around noon a few hours after, a dark, violent cloud hovered around the whole town, threatening to devour it. It was the first time to rain in Binangonan after a couple of years or so. When the first few drops hit the scorching ground, they immediately fizzled into vapors. For a brief moment, the whole town suddenly smelled of fart.

FLOPPY LOVE

Floppy

disk akong nagiging

hard

pag kasama ka.

PARA SA ISANG BUTIKING NADIKIT SA FLY CATCHER ISANG BIYERNES

Nakita kita

kumakawag-kawag

itinutulak

ang buong katawan

para makaalpas

pero sa bawat piglas

ay lalo kang nababaon

sa 'yong parihabang kumunoy.

Nakita kita

naghahabol ng hininga

puno ng kaba

habang pumipiri-pirikot

ang 'yong katawan

at halos magkabakli-bakli

sa pagkakadikit

sa 'yong libingan.

Nakita kita

nang lisanin mo

ang mundong ibabaw

sa ilalim ng mesa

Iyon na ba ang huli mong sandali

o may pupuntahan ka pa?

Hindi ko alam

kung ipagdarasal ka:

ang butiki ba ay may kaluluwa?

Para sa Iyo

Patitigasin ko

ang marmol

Dudurugin ko

ang buhangin

Paiinitin

ang araw

Pakikislapin

ang bituin.

Gagawin ko

ang lahat

ng ginawa mo

para sa akin.

HIV

isang virus

na aking nakuha

nang minsan kong ipasok

na walang write protect

ang aking diskette

sa isang bayarang disk drive

sa Quezon Avenue.

RITWAL NG PAGLIMOT

Tulad ng muta

ang 'yong gandang

inalis ko

sa aking mata

Nalasahan ko

ang 'yong halik

sa iniluwa

kong plema

Kasama ng uhog

ang iyong halimuyak

na aking

isininga

Mahal, kanginang umaga:

nilunod kita

sa lababo

ng ala-ala.